English
BIBLE
We believe that the Bible is the fully and verbally inspired Word of God and originally given and is composed of the 66 books, 39 of the Old Testament and 27 of the New Testament. It is without error and is the supreme and final authority in all matters of faith and practice. (2 Tim. 3:16-17; 2 Pet. 1:20-21; Matt. 5:18; John 17:17; Psalm 19:7)
GOD
We believe in one true and living God, the Creator and Sustainer of all things. He is eternally existing in 3 distinct persons – God the Father, God the Son and God the Holy Spirit, sharing one divine nature, co-equal in power and glory having the same attributes and perfections. (Deut. 6:4; Matt. 28:19; John 1:1; Hebrews 1:5; Col. 1:17; Acts 17:28; Hebrews 1:3; 2 Cor. 13:13)
JESUS CHRIST
We believe in Jesus Christ, the eternal Son of God who became man, without ceasing to be God, having been conceived by the Holy Spirit and born of Virgin Mary. Jesus possesses two natures: fully God and fully man inseparably united in one person.
We believe in Jesus’ substitutionary death to provide salvation for mankind. He was buried, rose again on the third day and ascended to heaven where He is now seated at God’s right hand and as a High Priest and Advocate, interceding for the believers and will personally and visibly return to judge the living and the dead and establish His kingdom upon the earth. (John 1:1-4; Phil. 2:6-11; Luke 1:35; Matt. 1:18; Luke 2:40,52; 1 Pet. 3:18; 1 John 2:2; Romans 5:8; 1 Cor. 15:3-4; Luke 4:24,39; Romans 3:24-25; 1 Pet.1:3-5; 3:19; Romans 8:34; Hebrews 9:24; 7:25; Eph. 4:7-9; 1 Tim. 2:5; 1 John 2:1-2; Luke 22:31; 2 Tim. 4:1; Acts 1:11)
HOLY SPIRIT
We believe in the Holy Spirit, the Third Person of the Godhead, in one substance with the Father and Son, yet distinct as a person. He baptizes the believer into the body of Christ, indwells, guides and empowers him for victorious living and fruitful service. He enables the church to live in faith and holiness and convicts’ men committing sin, righteousness and judgement. (Acts 5:1-4; Gen. 1:2; 2 Cor. 13:14; Matt. 28:19; 1 Cor. 3:16; John 16:13; Acts 1:18; Eph. 5:18; John 16:8-11)
MAN
We believe that man was created in the image and likeness of God but that on the account of Adam’s sin, the human race fell and became alienated from God and that he is totally incapable of doing anything to save himself. Because of man’s disobedience, all human beings are born with a sinful nature and as a consequence, will suffer eternal punishment in hell. (Gen. 1:26-27; Eph. 2:1-3; Romans 3:22; 5:12).
SALVATION
We believe that salvation is a grace from God made available through the finished work of Jesus Christ on the cross, received upon repentance and faith in Him alone apart from any good works, religious ceremonies or human merit. It is the privilege of the believers to enjoy the assurance of salvation.
We affirm our belief to what the Bible teaches that Christian liberty should never be used as an occasion to sin. (John 5:24; 10:28-29; Eph. 2:8-9; Titus 3:5; 2 Tim. 2:19; 1 John 3:8-10; 5:11-13; Romans 6:1-2,15-16;13:13; Gal. 5:13; Titus 2:11-15; Isa. 55:7; 64:6)
CHURCH
We believe that the Church is the body of Christ, made up of the whole company of all born again believers from all cultures, tongues and nations of all ages. The concrete expression of the universal church is a local body of believers called upon to proclaim the lordship of Christ by word and good deeds.
We believe that the Church is God’s agent for redemption and transformation of nation through the gospel proclamation and acts of compassion, justice, righteousness and peace. All believers are called to actively witness to the saving knowledge of Jesus Christ and minister to the world and to the body of believers through spiritual gifts.
We believe that Christ instituted two ordinances for the Church to observe: Baptism which symbolizes the believer’s union with Christ in His death, burial and resurrection, and the Lord’s Supper which is to be observed continually in this age, in remembrance and proclamation of Christ’s death until He comes. (Romans 6:4-5; 12:4-5; John 3:3; Rev. 7:9; Matt. 16:18; 28:19-20; 25:31; 1 Cor. 11:23-26; Eph. 4:11-12; Mark 16:15).
LAST DAYS
We believe in the certainty of Christ’s second coming. It will be physical, visible and personal return in order to establish His rule over all things. At His coming, Christ will call the believers to be in His presence and reign with Him forever. However, the unbelievers will be judged and will suffer eternal punishment in hell.
The anticipation of Christ’s eminent coming gives us hope and motivates us to live holy lives and be faithful
stewards of all earthly possessions. (1 Thess. 5:8-11,23; John 14:1-3; 1 Thess. 1:10; Acts 1:11; Matt. 24:27,30,44; 1 Cor. 15:49; Daniel 12:2; John 5:28-29; Matt. 25:31-46; Rev. 20:15;22:5; 2:21; Matt. 25:14-25).
Tagalog
BIBLIA
Naniniwala tayo na ang Biblia ay ganap at walang bawas na kinasihang Salita ng Diyos. Ito ay orihinal na ibinigay at napapalooban ng 66 na aklat, 39 sa Lumang Tipan at 27 sa Bagong Tipan. Ito ay walang pagkakamali at pinakamataas at huling awtoridad sa lahat ng bagay sa pananampalataya at kasanayan.( 2 Tim. 3:16-17; 2 Pedro 1:20-21; Mateo 5:18; Juan 17:17; Awit 19:7)
DIYOS
Naniniwala tayo sa isang totoo at buhay na Diyos, ang Manlilikha at nagbibigay ng lahat ng bagay. Siya ay walang hanggang mananatili sa tatlong (3) magkakaibang persona- Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, magkakabahagi sa isang banal na kalikasan, magkapantay sa kapangyarihan at kaluwalhatian at kapwa may parehong katangiaan at kaganapan. (Deut. 6:4; Mateo 28:19; Juan 1:1; hebreo 1:5; Colosas 1:17; Mga Gawa 17:28; Hebreo 1:3; 2 Corinto 13:13)
JESU-CRISTO
Naniniwala tayo kay Jesu-Cristo, ang walang hanggang Anak ng Diyos na nagkatawang tao, walang patid ang pagka-Diyos. Si Jesus ay ipinaglihi sa pamamagitan ng Banal na Espiritu, ipinanganak ng Birheng Maria. Siya ay nagtataglay ng dalawang (2) kalikasan: ganap na Diyos at ganap na tao hindi mahihiwalay nagkakaisa sa isang persona.
Naniniwala tayo sa Kanyang kamatayan kapalit ng kaligtasan ng sangkatauhan. Siya ay inilibing at muling nabuhay sa ikatlong araw at lumuklok sa langit, kung saan Siya ngayon ay nakaupo sa kanan ng Diyos at bilang isang Punong Saserdote at Tagapamagitan, namamagitan para sa mga mananampalataya at personal at nakikita pagbabalik upang hatulan ang buhay at patay at itatatag ang Kanyang kaharian sa lupa. (Juan 1:1-4; Fil. 2:6-11; Lucas 1:35; Mat. 1:18; Lucas 2:40,52; 1 Pedro 3:18; 1 Juan 2:2; Roma 5:8; 1 Cor. 15:3-4; Lucas 4:24,39; Roma 3:24-24; 1 Pedro 1:3-5;3:19; Roma 8:34; Hebreo 9:24;7:25; Efeso 4:7-9; 1 Tim. 2:5; 1 Juan 2:1-2; Lucas 22:31; 2 Tim. 4:1; Mga Gawa 1:11)
BANAL NA ESPIRITU
Naniniwala tayo sa Banal na Espriritu, ang pangtlong persona ng Diyos, sa iisang sangkap sa Ama at sa Anak, ngunit pareho bilang persona. Siya ay nagbabautismo sa mga mananampalataya sa katawan ni Cristo, nananahan, pumapatnubay at nagbibigay ng kapangyarihang mamuhay nang may katagumpayan at mabungang paglilingkod. Namamagitan Siya sa Iglesia upang mamuhay sa pananampalataya at kabanalan at hinahatulan ang mga tao sa kasalanan, katuwiran at paghatol. (Mga Gawa 5:1-4; Gen. 1:2; 2 Cor. 13:14; Mat. 28:19; 1 Cor. 3:16; Juan 16:13; Mga Gawa 1:18; Efeso 5:18; Juan 16:8-11).
TAO
Naniniwala tayo na ang tao ay nilikha na kawangis at katulad ng Diyos, subalit dahilan sa kasalanan ni Adan, ang sangkatauhan ay nahulog at naging malayo sa Diyos at dahilan dito siya ay nawalan ng kakayahang gawin ang lahat ng bagay upang mailigtas ang kanyang sarili. Dahilan sa pagsuway ng tao, ang buong sangkatauhan ay isinilang na may likas na kasalanan at ang bunga nito ay magdurusa nang walang hanggan sa impiyerno. (Gen. 1:26,27; Efeso 2:1-3; Roma 3:22; 5:12).
KALIGTASAN
Naniniwala tayo na ang kaligtasan ay isang biyaya na galing sa Diyos na makakamit sa pamamagitan ng pagsisisi at pananampalataya sa Kanya lamang; hindi sa alinmang mabubuting gawa, relihiyong seremonya o kabutihan ng tao. Ito ay pribilehiyo ng mga mananampalataya na masiyahan sa katiyakan ng kaligtasan.
Pinagtitibay natin ang ating paniniwala sa kung ano ang itinuturo ng Biblia, na ang kalayaan ng Kristiyano ay hindi magagamit upang maging daan sa pagkakasala. (Juan 5:24; 10:28-29; Efeso 2:8-9; Tito 3:5; 2 Tim. 2:19; 1 Juan 3:8-10; 5:11-13; Roma 6:1-2,15-16; 13:13; Gal. 5:13; Tito 2:11-15; Isa. 55:7; 64:6).
IGLESIA
Naniniwala tayo na ang Iglesia ay katawan ni Cristo, na kinapapalooban ng lahat ng mga mananampalataya na galing sa lahat ng kultura, salita at bansa sa lahat ng panahon. Ang tiyak na kapahayagan ng pangkalahatang iglesia ay isang lokal na katawan ng mga mananampalatayang tinawag na magpahayag ng kapangyarihan ni Cristo sa pamamagitan ng salita at mga mabubuting gawa.
Naniniwala tayo na ang Iglesia ay ahensiya ng Diyos para sa pagtubos at pagbabago ng mga bansa sa pamamagitan ng pagpapahayag ng mabuting balita at sa mga paggawa ng kahabagan, katarungan, katuwiran at kapayapaan. Lahat ng mga mananampalataya ay tinawag upang maging aktibong mga saksi sa pagliligtas ni Jesu-Cristo at magministeryo sa mundo at sa mga mananampalataya sa pamamagitan ng mga kaloob ng Espiritu.
Naniniwala tayo na si Cristo ang nagsimula ng dalawang kautusan na dapat tuparin ng Iglesia: Ang Bautismo, na siyang sumisimbolo sa pagkakaisa ng mga mananampalataya kay Cristo sa kanyang kamatayan, pagkalibing at pagkabuhay na muli at ang Banal na Hapunan na siyang dapat na patuluyang tinutupad sa kapanahunang ito, sa pag-aalaala at pagpapahayag ng kamatayan ni Cristo hanggang sa Kanyang muling pagparito. (Roma 6:4-5; 12:4-5; Juan 3:3; Pahayag 7:9; Mat. 16:18; 28:19-20; 25:31-46; 1 Cor. 11:23-26; Efeso 4:11-12; Marcos 16:15).
MGA HULING ARAW
Naniniwala tayo sa katiyakan ng muling pagbabalik ni Cristo. Ito ay pisikal, nakikita at personal na pagbabalik upang maitatag ang Kanyang pamamahala sa lahat ng bagay. Sa Kanyang pagbabalik, tatawagin ni Cristo ang mga mananampalataya upang mamalagi sa kanyang presensiya at magharing kasama Siya magpakailanman. Subalit ang mga hindi mananampalataya ay hahatulan at magdurusa ng walang hanggang kaparusahan sa impiyerno.
Ang paghihintay sa nalalapit na pagbabalik ni Cristo ay nagbibigay sa atin ng pag-asa at nag-uudyok sa atin upang mamuhay nang may kabanalan at maging matapat na tagapamahala sa lahat ng pagmamay-ari sa mundong ito. (1 Tes. 5:8-11,23; Juan 14:1-3; 1 Tes. 1:10; Mga Gawa 1:11; Mat.24:27,30,44; 1 Cor. 15:49; Daniel 12:2; Juan 5:28-29; Mat. 25:31-46; Pahayag 20:15; 22:5; 2:21; Mat. 25:14-25).